RECENT PUBLICATIONS |

Signs Na Hindi Ka Na Uuwi Today: A Pila Survival Guide
Rite of passage na ata ang mapagdaanan ‘to. ’Yung akala mo, five-minute errand lang, pero ‘di mo namamalayang lumipas na ang buong araw pero nandiyan ka pa rin sa puwesto mo—amoy-araw na’t may existential crisis pa.
Bumabagal ang oras, nauubos ang data, at mukha ka na ring furniture ng lugar—ito na ang mga red flag na baka hindi ka lang basta nakapila, kundi isa nang fixture sa bureaucratic museum ng buhay.
1. May dumating na “Very Important Perwisyo”
Walang sinasanto ang star power—lalo na ang pila.
Tahimik ang lahat, umaandar kahit mabagal. Tapos biglang magbabago ang ihip ng hangin—may dumating na councilor, barangay captain, o ’90s actor-turned-public servant na may kasamang entourage at photographer. Minsan, may artista pa na tila naligaw sa government office (“Nagpo-process din siya ng docs?!”). Biglang may staff na mawawala sa likod, receptionist na mag-aayos ng postura, at pilang titigil sa paghinga. Lahat mapapatingin. Lahat hihinto. ‘Yung transaction mo? Naunahan na ng press con.
2. ‘Yung nasa unahan, parang nagsu-submit ng thesis
At parang magfa-file ng kaso, hindi ng form.
Akala mo ay pipirma lang, pero bigla siyang naglabas ng accordion folder na may dividers, plastic envelopes, lumang resibo, at birth certificate ng lolo niya sa mother’s side. Parang nag-a-apply ng Schengen visa. ‘Yung staff sa counter? Napakunot-noo sabay hingang malalim at nag-request ng second opinion.
Habang iniisa-isa nila ang documentary novel na dala niya, ikaw naman sa likod ay nagtataka kung pareho pa ba kayo ng ipinunta. Baka siya, ayaw lang talagang matapos ang interaction—o baka secretly, life audit na niya ‘to. Either way, hindi ka makakaalis hangga’t hindi nila natatapos ang season finale ng paperwork saga.
3. May bumulong ng “May kakilala ka ba rito?”
POV: Wala kang Tita sa HR.
Sa gitna ng kung saan mang bulwagan ay maririnig mo ang magic words: “Pare, may kakilala ka ba sa loob?” Tapos may kasunod na pasimple pero suspiciously strategic na phone call: “Hi, Tita! Andito ako sa pila, baka naman…”
Next thing you know, may dumaan na isang tao, nakipag-shake hands lang sa guard, at magically nakalusot sa likod ng counter—habang ikaw, bilang isang honest citizen, hawak pa rin ang form mo na properly filled-out at printed on legal size like a responsible taxpayer.
Habang umaasa ka sa standard operating procedures, umaasa sila sa standard operating tita.
Sweet summer child, ito ang reyalidad: Ang pinaka-powerful document sa Pilipinas ay hindi clearance form—kundi ang “kilala ko ‘yan” card.
4. “Nag-down ang system”
At kasabay nito ang pag-down din ng will to live ng lahat.
Isa lang ang mas nakakikilabot kaysa mahabang pila: ang masabihan ng staff na “Sorry po, nag-down ‘yung system.” Cue collective sigh. May mapapahawak sa dibdib o ‘di kaya naman ay mapapaupo sa sahig na parang nagluluksa. Kasi kapag system down, hindi mo na hawak ang oras mo. Hindi mo na rin hawak ang emosyon mo. Ang tanging hawak mo? Repressed rage at isang lukot-lukot na queueing stub na nagsilbing saksi sa lahat ng ‘to—at matututo tayong lahat na ang tunay na kaaway ay hindi pila… kundi IT infrastructure.
5. Iba-ibang number, iba-ibang mundo
Welcome to the multiverse of queues.
Hawak mo ang number 47—huy, medyo nakakakampante. Malapit-lapit e. Pero may isang lumapit sa counter na may number 13 na pinaupo agad. Samantalang ikaw, parang extra sa sarili mong buhay. Tumingin ka sa paligid: may isang ale na 72 ang queueing number pero nakausap na, habang may kuya sa sulok na hawak lang ang resibo niya na may kupas na number written in pencil, galing pa raw sa Window 5 ng kabilang building.
Ang pinakamasakit? Wala ni isang digital screen o announcement para malaman kung sino na ba ang next sa pila. Ang basehan ng pagtawag ay isang halo ng intuition, seniority, at kung anong papel ang unang napansin sa stack. Hindi mo na alam kung saan ka lulugar, pero kung may isang bagay man ang sigurado: hindi ikaw ang susunod.
6. Lumulutang ang mga “Special Cases”
At ikaw na regular mortal lang, tila invisible sa counter.
Dumaan ka sa Ayunta, at nakita mo na. ‘Yung student na galing sa LOA, ‘yung nag-shift ng program sa kalagitnaan ng taon, ‘yung may surname na tatlong beses binago. Bawat isa may special approval na galing sa dean, registrar, department chair, at ancestral spirits. Ikaw? Waiting, wondering kung kailan magiging special din ang simpleng transaction posting mo.
7. May bumanggit ng “Lunch Break”
At alam mong tapos na ang lahat
11:27 AM. May maririnig kang bulong: “Ano’ng gusto niyo, Jollibee o Mang Inasal?” Tapos biglang slow motion ang kilos ng staff. May isa nang mag-aayos ng bag. ‘Yung nasa counter, tatakpan na ‘yung ballpen. ‘Di mo na maaabot ang counter bago mag-1 PM. Lunch is sacred, at kahit anong urgency ng papeles mo, talo ‘yan ng PM1 at Yumburger. Time to choose: uulit ka sa pila o bubuksan ang emotional support Skyflakes mo?
8. May nagsimula ng side hustle
Capitalism lives, kahit sa waiting line.
May magbebenta ng extra niyang Rebisco. May magpapa-load kasi naubos na ang data niya sa kaka-scroll habang nasa pila. May magtatanong kung puwedeng makitawag kasi deadbatt na. Kulang na lang ay may mag-alok ng manicure habang naghihintay. Kung hindi ka bibili, baka ikaw na lang ang walang ambag sa grassroots economy ng pila.
9. Isa mong document, tatlong supervisor
The paper that launched a thousand approvals.
Simple lang dapat ‘yung form mo, pero ngayon ay parang national issue na kung tratuhin. Pinapasa-pasa sa tatlong desks. May nag-picture pa. At talagang may tumawag pa sa head office. ‘Yung staff, magsasabi pa ng “Pa-confirm lang po kay Sir. Nasa regional office siya ngayon pero tatawagan namin.” ‘Yung papel mo, main character energy. Ikaw, supporting cast na lang.
10. Alam mo na ang life story ng lahat
Naging BFF mo pa ang mga kapwa mo napako sa pila.
Alam mo na si Ate sa unahan ay nag-aayos ng benefits ng late husband niya. Si Kuya sa likod, naloka kasi nagbago ang scholarship requirements habang nagsu-submit siya. Parang group therapy session na ‘yung pila. ‘Di lang tsitsirya ang binubuksan at pinagsasaluhan—pati kuwento ng buhay at mga trauma na rin. Dati, napadaan ka lang; ngayon, parte ka na ng movement. May group chat na rin kayo, just in case hindi matapos ngayong araw.
***
Oo, sabihin natin na dumating na lang tayo sa punto na tinatawanan na lang natin ‘to. Pero minsan, mapapaisip ka rin—ba’t parang déjà vu na? Bakit parang scripted ang pagka-delay? Truth is, hindi lang ito basta usapan tungkol sa tagal ng pila—ito ay microcosm ng mas malaking sistema na laging may shortcut sa ilan, at delay para sa karamihan.
Kaya kung mapansin mong stuck ka na naman at nagkakabuhay ka na sa pila, tanungin mo rin: Bakit nga ba ganito? Minsan, ang pinakamatapang na magagawa mo ay hindi ang magtiyaga kundi ang magtanong kung bakit ba tayo natutong magtiyaga sa ganito, at kung kailan natin sisimulang ipaglaban ang pila na pantay-pantay.
Originally published in Heraldo Filipino Volume 39, Issue 2



